Wednesday, December 9, 2009

introduction: Lance

Love. ano ba yang love na yan? Sa iba sabi nila love is the happiest feeling you could ever feel. Pero bkt sa akin hindi ata ganun. Ako nga pla si Zoey, 20 years old, mestizo, gwapo, talented,5'6 ang height, chubby, droopy ang eyes ko at may magandang pouty lips. Sa tutuusin maswerte na ako sa mga binigay na yan ni God pero bkt hanggang ngaun ako ay loveless parin. Pero may mga past lovestories naman ako. Pero ang ending panget.

. My first love story, Grade 7 pa ako nun, Lance ang name ng boyfriend ko. Matangkad, may lahing hapon, mabait, lahat na cguro ng gusto ng isang babae na sa kanya pero ako ang gusto niya. Hindi rin naman kami nagtagal kasi hindi ko siya gusto. Ayun binreakan ko din sya after 4 months namn. Wala pa kasi talaga ako dun sa point of loving, bata pa naman ako. Pagbigyan nyo na. Tapos after graduation nmn ng fourth year. Ayun after ng break up ko with Prince, Binalikan ko siya at yun hinihintay parin nya ako. Akala ko nung mga time na yun love ko na sya. Ang bait nya, kasi kahit alam niyang hindi pa ako over kay Prince, ginugusto parin niya ako. Lagi niya ako sinusundo sa skul, tinitreat ng food, hinahatid pa uwi, sumasama sa mga lakad ko, lagi niya ako tinatawagan gabi gabi, lagi niya ako sinasabihan na mahal na mahal niya ako at eto ang pinaka nakakainlove... Pinapaalam niya sa bahay nila na kami. To the point na kahit nakikita kami ng daddy niya na magkaembrace pagnatutulog, wala syang pakielam. Sobrang sweet niya. Tapos nung unang punta ko sa house nila nun, as in kakabalikan palang namn, dinala niya ako sa kwarto niya. sabi niya ligo lang daw siya. So yun na nga naligo na siya, habang ako naghihintay sa kanya inaayos ko yung study table niya. Nakita ko sa drawer niya mga pictures ko since grade 7 na mga candid. Syempre nagulat ako at tinanong ko sa kanya. Hindi naman siya nahiya na aminin na mahal pa niya ako all those years. Ako lang daw hinihintay niya. Hanggang sa isang araw sinundo niya ako sa school pauwi. Habang pauwi kami niyayaya ko siya na matulog kami ulit sa kanila. Ang sagot naman niya na kesho busy sya sa school, marami daw siyang gagawn. Syempre nainis ako at sabi ko sa kanya, lagi ka nalang school. Paano na ako? Cguro mas masaya ka sa school mo kasi may mga babae dun? at yun nagaway na kami pauwi. Nung pasakay na kami ng fx, last ride to my house sabi ko sa kanya. "Lance, wag mo na ako ihatid samin at siya nga pla, BREAK na tayo." Ewan ko ba kung bkt ko nasabi yun. Ayun sasobrang upset ko napahiya na siya sa lahat ng tao dun sa sakayan. While going home nagrereflect ako. At ayun mas gusto ko parin kasi si Prince. Kinagabihan tinawagan ako ni Lance to clear things out. At yun napagusapan na namin na ayoko na, mahal ko pa si Prince at ayoko na rin masaktan si Lance. Pero eto parin siya sinasabi bago ibaba ang cellphone " Cge, hintayin parin kita." biglang hinabol ko na "Cge hintayin mo ako ng 3 months pagwala parin wala na talaga." at pumayag naman siya. After month have past of being single ayun nafeel ko na naman na lonely ako. Ayun kinontact ko na siya thru I.M.s at sabi ko sa kanya. "Lance, I have just realize na mahal pala kita all along." At sabi niya with a sad face na smiley na " Sorry, sabi mo after 3 months kung wala ka pa wala na talaga. Ayun pumayag na ako sa daddy ko na arrange marriage." Ayun wala na. Wala ng taong naghihintay sa akin. Wala ng taong obssesed sa akin.